47

Dec 14, 2021 @ 15:20
By

Mobile Legends: Blacklist pinauwi ONIC Indonesia

Umabante ang Philippine squad na Blacklist International sa third round ng lower bracket ng M3 World Championships matapos paluhurin ang Indonesian league champions na Onic Esports, 2-1 ngayong Martes.

Sinimulan ng Beatrix ni Kiel ‘OHEB’ Soriano ang ratsada ng Blacklist sa game one sa kanyang naitalang nine kills at three assists.

Gayundin, naging masyadong makunat para sa Onic sa game one ang jungle Barats ni Danerie James ‘Wise’ Del Rosario at Uranus ni Edward ‘Edward’ Dapadap.

Tinapos ng Blacklist ang game one sa 22 minuto.

Samantala, nakabawi ang Onic sa game two sa likod ng makunat na Esmeralda ni Muhammad “Butss” Satrya Sanubari.

Ngunit ‘di na hinayaan ng Blacklist na mawala pa sa kanilang mga kamay ang panalo sa game three, kung saan muling naghalimaw ang Beatrix ni OHEB at Barats ni Wise.

Buhay pa ang kampanya ng Pinoy squad sa torneo habang nagpaalam na ang Indonesian team.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?