92

Dec 3, 2017 @ 11:04

Mobile games nina Duterte, Bato tinanggal na ng Apple

Tinanggal na sa Apple app store ang video games ang character ni Pangulong Rodrigo Duterte at Philippine National Police chief Ronald “Bato” dela Rosa kung saan pumapatay ang mga ito ng mga kriminal.

Ayon sa report, ang popular game na pinamagatang “Duterte knows Kung Fu: Pinoy Crime Fighter” ay hindi na makikita sa app store ng Apple kasunod nang apela ng Asian Network of People Who Use Drugs (Anpud), isang drug users’ advocacy group.

Sabi ng grupo, hiniling nila sa CEO ng Apple na si Tim Cook na alisin ang laro dahil sa pino-promote diumano nito ang pagpatay,, extrajudicial killings, karahasan at giyera sa droga sa Pilipinas

“We did not receive a direct response from Mr Cook or Apple,” sabi ng grupo sa isang statement. “However, most of the apps no longer appear”.

Ang mga natanggal na ay Duterte knows Kung Fu: Pinoy Crime Fighter, Duterte Running Man Challenge Game, Fighting Crime 2, at Tsip Bato: Ang Bumangga Giba!

Ang mga nasabing mga laro ay ipinapakita na pumapatay ng mga kriminal sina Duterte at dela Rosa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?