19

Oct 18, 2020 @ 18:28
By

MNLF lider, ex-Sulu governor Jikiri pumanaw na

Sumakabilang-buhay ang isa sa mga namuno sa Moro National Liberation Front (MNLF) at dating Sulu governor na si Yusop Jikiri.

Pinagbigay alam ito ng ilang miyembro ng Bangsamoro Parliament ng Armed Forces of the Philippines.

“I was saddened to his demise. He is one of Bangsamoro leader worthy of imitation. His aspiration for Bangsamoro people and the peace effort is undeniably and shall be forever be remembered,” saad ni parliament member Sittie Shahara Mastura.

Nakiramay din si AFP spokesperson Brig. Gen. Edgard Arevalo, na sinabing naging mahalagang bahagi si Jikiri para sa kapayapaan sa pagitan ng militar at MNLF.

“He is one of the strong pillars who advocated trust and respect as key to achieving lasting peace and development not only in the Province of Sulu but of the Bangsamoro,” lahad ni Arevalo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?