170

May 9, 2021 @ 15:54
By

MNL48 pasiklab sa ‘ASAP’

Trending agad ang performance ng Pinoy girl group na MNL48 sa Sunday noontime variety show na ‘ASAP Natin To’.

Umabot sa 100,000 ang tweet ng ‘MNL48 ASAP EXPLOSIVE’, habang nag-trending din sa Pilipinas ang hashtag na #MNL48onASAPNatinTo.

Inawit ng MNL48 ang kanilang kanta na ‘Bingo’, na kinagiliwan ng kanilang mga fan.

Sa June 27 ay nakatakdang sumalang ang MNL48 sa AKB48 Group Asia Festival 2021, kung saan makakasama nila ang kanilang mga sister group.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?