791

Dec 29, 2018 @ 21:31
By

MMK na bida si Angel Locsin, nag-trending

Muling ipinalabas ngayong Sabado ang award-winning Maalaala Mo Kaya episode kung saan nagbida si Angel Locsin.

Una itong umere noong nakaraang taon na nag-trending din worldwide.

Ginampanan ni Angel ang role na si Samina, isang Muslim na pinagbintangan na nangidnap ng isang batang lalaki, na ang biological mother ay ginampanan naman ni Dimples Romana.

Ngayong araw nag-trending ang hashtag na #MMKRobbedMotherhoodV2 dahil sa mahusay umanong pagganap ni Angel at sa ganda ng istorya.

Narito ang ilan sa kanila:

(IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?