123

Dec 28, 2017 @ 13:43

MMFF Gabi ng Parangal kulang sa kinang Vic, Vice, Coco deadma

Matagumpay ang nakaraang MMFF 2017 Gabi ng Parangal na ginanap sa Kia Theater, sa Cubao, Quezon City noong isang gabi, December 27 dahil halos lahat ng winners ay present para tanggapin ng personal ang kanilang respective awards.

Pero, kulang ito sa kinang at ningning dahil wala ang tatlong malalaking artista sa festival na sina Vice Ganda, Coco Martin at Vic Sotto.

Marahil ay pare-pareho na silang pagod dahil sa mahabang promo activities ng kani-kanilang entries na tumagal pa sa pagsisimula ng pilahan sa sinehan, kaya ipinagpaliban na nila ang pag-attend ng awards night.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?