91

Jan 7, 2019 @ 15:17
By

MMFF 2018, nalagpasan na ang P1 bilyong target na kita

Masayang ibinalita ng pamunuan ng Metro Manila Film Festival (MMFF) na nalagpasan na nito ang P1 bilyong target na kita sa MMFF 2018.

As of January 6, Sunday ay lumagpas na umano sila sa target na P1 bilyon, ayon kay MMFF Spokesperson Noel Ferrer sa Facebook post nitong Lunes.

THANK YOU FOR YOUR SUPPORT! We still have until today (the official MMFF last day) to watch the MMFF entries in the theaters. Muli, maraming maraming salamat po! #MMFF2018 #Thankful

Posted by Metro Manila Film Festival (MMFF) Official on Sunday, January 6, 2019

Nagpasalamat naman ang mga ito sa mga nanood at sumuportang Filipino moviegoers sa MMFF.

Ang walong pelikulang kalahok sa MMFF 2018 ay ang “Fantastica,” “Jack Em Popoy: The Puliscredibles,” “Otlum,” “Aurora,” “Rainbow’s Sunset,” “Mary, Marry Me,” “The Girl In The Orange Dress” at “One Great Love.”

Nagsimula itong ipalabas noong Pasko at tatakbo hanggang Enero 7.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?