125

Nov 13, 2019 @ 12:36

MMDA: ‘Wag bumiyahe sa NLEX sa ganitong oras

Nagpaalala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga trak na iwasang dumaan sa piling oras sa North Luzon Expressway (NLEX) upang makaiwas sa mabigat na trapiko sa pagsisimula ng Southeast Asian Games, Nobyembre 30.

“Nakipag-usap po tayo sa mga truckers association at napag-usapan po kung maaaring agahan nila ang kanilang mga transactions at iwasan ang NLEX as early as 11 in the morning hanggang alas-singko, alas-sais po ng gabi,” ani MMDA spokesperson Asec. Celine Pialago sa panayam sa GMA News.

“‘Yun lang naman po ‘yung mga oras na kailangan tandaan ng ating mga kababayan para ho makaiwas sila sa pagbigat ng daloy ng trapiko,” dagdag niya.

Iiimplementa rin ng MMDA ang isang stop-and-go scheme sa mga kalsadang gagamitin ng mga convoy ng mga atleta.

“‘Yung convoy inaasahan na dadaan sa yellow lane, overpasses and underpasses sa kahabaan ng EDSA,” ayon kay Pialago.

Gaganapin ang opening ceremonies ng SEA Games sa Philippine Arena sa Bulacan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?