182

Dec 17, 2017 @ 14:11
By

MMDA urong-sulong sa HOV lane traffic scheme sa EDSA

Isang araw lang ang nakalipas ay nagbago na ang isip ng MMDA ukol sa pagpapatupad ng high occupancy vehicle (HOV) lane sa EDSA.

Sinabi ni Celine Pialago, ang tagapagsalita ng MMDA, na hanggang sa Disyembre 31 na ang pagpapatupad nila ng HOV lane.

Magugunita na noong Sabado sinabi ni Pialago na ipagpapaliban muna ang dagdag na special lane sa EDSA dahil sa hindi nila kayang bantayan ang mga highly-tinted vehicles, kung ang mga ito ay may higit sa isa ang sakay.

Kasabay nito, nanawagan si Pialogo sa mga motorista ng pakikiisa sa pagpapalawig ng dry run ng HOV lane.

Aniya, maglalabas ang kanilang Technical Working Group ng datos at rekomendasyon ukol sa HOV lane sa susunod na buwan.

Banggit pa nito, kapag naging positibo ang resulta ng pag aaral ay ipapatupad ng permanente ang HOV lane sa unang bahagi ng 2018.

Kapag negatibo naman resulta ay muli nilang pag-aaralan ang konsepto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?