47

Dec 3, 2017 @ 18:11
By

MMDA tutok pa rin sa ruta ng Piston

Sa kabila nang pagkansela na ng grupong PISTON sa kanilang two-day transport strike simula bukas, tutukan pa rin ng MMDA ang sitwasyon sa mga kalsada bukas.

Ayon kay Celine Pialago, ang tagapagsalita ng MMDA, ipapatupad pa rin nila ang joint quick reaction team (JQRT) transport strike plan.

Aniya, kasama nila ang grupo ng mga opisyal at tauhan ng LTFRB ay mag-iikot sila sa ilang bahagi ng Metro Manila.

Nabatid na kabilang pa rin sa babantayan ay ang mga ruta ng PISTON at terminal ng kanilang mga miyembro.

Kinansela ng PISTON ang tigil pasada para pagbigyan ang pakiusap ni Sen. Grace Poe na tatalakayin sa Senado ang public transport modernization program ng gobyerno. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?