32

By

MMDA tikom pa rin sa ‘tokhang joke’ sa reporters

Sharing is caring!

Pumalag na ang isang opisyal ng Malakanyang ngunit nananatiling tikom ang bibig ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa kanilang opisyal na pinuna sa masamang biro sa mga reporter.

Ayon kay Celine Pialago, tagapagsalita ng MMDA, hindi pa napapag-usapan ang iskandalong kinasasangkutan ng kanilang assistant general manager for planning na si Jojo Garcia.

Tinanong na rin si Pialago kung papatawan ng disciplinary actions si Garcia at inulit lang din niya ang sagot na wala pang napapag-usapan ang ibang opisyal ng MMDA.

Bukod kay Joel Egco, executive director ng Presidential Group on Media Security, nagbigay na rin ng kanyang pahayag si Presidential Communications Chief Martin Andanar hinggil sa mapait na inasta ni Garcia.

Iginiit ni Andanar na iresponsable ang ginawang biro ni Garcia sa harap ng mga reporter.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?