6

By

MMDA sa publiko: Lumahok kayo sa shake drill

Sharing is caring!

Hinimok ng Metro Manila Development Authority (MMMDA) ang lahat ng mga nasa Kamaynilaan na lumahok sa nakakasang earthquake drill o shake drill sa susunod na linggo.

Sinabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia na kailangang maghanda ang lahat sa The Big One o sa pinakamalakas na lindol na pwedeng mangyari sa Metro Manila.

Nakaanunsyo na isasagawa ang shake drill sa susunod na linggo pero biglana na lang ang pagsasabi ng eksaktong araw at oras nito upang maging makatotohanan ang shake drill.

Magpapadala ng text message ang mga telecommunications firm sa lahat limang minute bago ang aktwal na shake drill.

Ayon kay Garcia, inaasahan na lalahok ang lahat ng mga ahensya ng gobyerno at ang mga eskwelahan batay sa pag-uusap ng MMDA at Department of Education (DepEd).

Hinihikayat naman ang mga nasa pribadon sektor na makiisa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?