estero-de-binondo
By

MMDA, puspusan ang paglilinis sa Estero de Binondo

Sharing is caring!

Nagsanib-puwersa ang Metro Manila Development Authority (MMDA) at ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa pagtatanggal ng tambak-tambak na basura sa Estero de Binondo sa Maynila.

Sa sobrang kapal ng basura, gumamit na ng crane na may clamp shell ang MMDA, mga bangka sakay ang mga tauhan ng mga barangay at mga lambat na panghango sa ga-bundok na basurang itinatapon ng mga residente sa mga kalapit barangay na inaanod sa Estero de Binondo.

Sa sandali namang maiangat na mula sa tubig ang mga basura ay inilalagay sa mga nakaabang na mga truck upang hakutin.

Panawagan ni MMDA Chairman Danilo Lim sa mga opisyal ng barangay, pagbawalan ang mga nasasakupan sa pagtatapon ng mga basura sa estero upang maging tuluy-tuloy ang pagdaloy ng tubig palabas ng Manila Bay.

Babala ni Lim sa mga barangay official, mahaharap sila sa kaso sa sandaling tapunan ng mga basura ang mga nasabing estero.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?