244

Dec 7, 2017 @ 16:49
By

MMDA official ‘nagbanta’ sa mga reporter

Nakarating na sa Malakanyang ang diumano’y masamang biro ni MMDA Assistant General Manager Jojo Garcia sa mga reporter kamakalawa.

Bagama’t hindi naman direktang tinukoy, pinagsabihan na ni Joel Egco, executive director ng Presidential Task Force on Media Security, ang opisyal na hindi naging maganda ang biro nito.

Ang diumano’y pagbibiro ni Garcia ay ipinarating kay Egco sa pamamagitan ng text message.

Nabatid ang masamang biro ay nangyari bago ang isang press conference sa opisina ni MMDA Chairman Danny Lim.

Narinig diumano si Garcia na nagbirong dapat na maging target ng Oplan Tokhang ng PNP ang mga reporter na nagsusulat ng negatibong ulat ukol sa MMDA.

Narinig din diumano si Garcia na nais niyang ilabas ang kanyang kalibre .45 na baril. Hindi rin nito sinagot ang mga pagtatanong sa kanya kung sinong mga reporter ang kanyang tinutukoy.

Kahapon, matapos ang isa ring press conference itinanggi ni Garcia na nagbitaw siya ng masamang biro at maging ang ilang mga reporter na dumalo sa press conference noong Martes ay nagsabing wala silang narinig na masamang biro. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?