By

MMDA niregaluhan ng body cameras

Sharing is caring!

Maagang dumating ang biyaya ngayong Kapaskuhan sa Metro Manila Development Authority (MMDA).

Isang pribadong kumpanya ang nag-donate ng 20 body cameras sa ahensiya kahapon.

Tinanggap ni MMDA Chairman Danny Lim ang mga body camera at aniya malaking tulong ito para mas lubos pang magampanan ng kanilang field personnel ang kanilang mga tungkulin.

Dagdag pa nito, makakatulong din ito kapag may mga reklamo o alegasyon laban sa kanilang mga tauhan, partikular na sa pangongotong gayundin ang mga motorista na manunuhol para makalusot sa huli.

Umaasa ang opisyal na sa susunod na taon ay madadagdagan pa ang kanilang mga body camera.

Ayon naman kay MMDA Asst. Gen. Manager Jojo Garcia, ang mga gagamit ng mga body camera ay itatalaga sa mga ‘choke points’ sa EDSA para makilala ang mga pasaway na bus drivers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?