36

By

MMDA naka blue alert para sa bagyong ‘Ompong’

Sharing is caring!

Nasa blue alert status ngayon ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa pinangangambahang pananalasa ng bagyong ‘Ompong’ sa Metro Manila.

Sa status na ito, buhos ang deployment ng mga tauhan mula sa iba’t ibang unit ng MMDA.

May 700 tauhan na ikakalat mula sa Road Emergency Group, Public Safety Division, Flood Control and Sewerage and Management Unit, Rescue Battalion, Metro Parkways Clearing Group at Traffic Engineering Center .

Sila ang tutugon kapag nagkaroon ng mga sakuna, may kailangang ilikas at may naging sagabal sa lansangan.

Sila rin ang titiyak ng maagap na koordinasyon ng mga ahensya ng gobyerno at ng 17 mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila.

Bukod sa kanilang mga tauhan, inihanda na rin ng MMDA at handa para sa deployment ang mga rescue van, emergency boat, military truck, ambulansiya, rubber boat, trak ng bombero, at mga gamit gaya ng life vests, chain saw at mobile pump.

Ang kabuuang pagmo-monitor ng operasyon at warning systems sa tuwing may kalamidad ay isinasagawa sa MMDA Metrobase Command Center.

Nag-setup din ng mga emergency station sa mga sumusunod na lugar: EDSA-Roxas Boulevard, EDSA-Ortigas, EDSA-Orense, EDSA-Timog, C5-Libis, Commonwealth-Tandang Sora, at Nagtahan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?