53

Nov 17, 2017 @ 18:53
By

MMDA: Motorcycle lane rule hihigpitan, linya dadagdagan

Simula sa darating na Miyerkules, Nobyembre 22, mahigpit na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pagpapapatupad ng Motorcycle Lane Rule.

Ayon kay MMDA Assistant General Manager Jojo Garcia, magsasagawa pa sila ng dalawang araw na dry run para magamay ito ng mga riders lalo na’t may mga pagbabago sa pagpapatupad nito.

Kasama sa pagbabago ang pagpapahintulot na sa mga rider sa fast lane o innermost lane.

Bukod dito, binibigyan na rin sila ng 100 metro na pumuwesto sa kanan o outerlane kung talagang papasok sa kanan.

Samantala, sa Lunes, ganap na ala-6 ng umaga hihigpitan din ang pagpapatupad sa yellow lane o bus lane.

Kahapon ng umaga nang nagsagawa ng dry run ang MMDA sa muling pagpapatupad motorcycle lane sa kahabaan ng EDSA. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?