18

Sep 14, 2021 @ 15:46
By

MMDA: Mga fully vaccinated sa NCR road to 6M na!

Malapit nang umabot sa 6 milyon ang kabuuang bilang ng mga residente sa Metro Manila na fully vaccinated na.

Ito ang inihayag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos sa isang pagdinig nitong Lunes kaugnay sa vaccine passport.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, sinabi ng opisyal na mahigit 5,930,000 milyon na ang bilang ng mga nakakumpleto ng bakuna sa NCR.

Aniya, katumbas ito ng 60.50 percent ng kabuuang 9.8 milyon na target population.

Samantala, nasa 8.4 milyong indibidwal naman sa Metro Manila ang nakatanggap na ng first dose ng COVID vaccine.

Kaugnay nito, kinikinita ng opisyal na aabot na sa 88.5 percent ang dami ng fully vaccinated sa Metro Manila pagpasok ng Disyembre 12.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?