20

Oct 13, 2021 @ 13:18
By

MMDA may bagong general manager

Pinangalanan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngayong Martes bilang bagong general manager si Atty. Romando “Don” Artes.

Papalitan ni Artes si Jojo Garcia, na nagbitiw sa pwesto dahil sa pagkandidato bilang kinatawan ng ikatlong distrito ng Rizal sa 2022.

“Magbibitiw na po ako bilang general manager ng MMDA, effective October 4, dahil may intensyon po akong tumakbo bilang kauna-unahang mambabatas ng ikatlong distrito ng Rizal, ang San Mateo po,” pahayag ni Garcia kamakailan.

Samantala, si Artes ay naging assistant general manager for finance and administration sa MMDA. (MJD)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?