294

Oct 29, 2017 @ 16:45

MMDA, magpapatupad ng truck ban sa Nov. 11-15

Kasabay nang pagdaraos ng ASEAN Summit sa bansa sa susunod na buwan, ipagbabawal Metropolitan Manila Development Authority ang pagbiyahe ng mga truck at closed vans sa ilang pangunahing lansangan.

Simula sa Nobyembre 11, ang North Luzon Expressway at SCTEX, mula sa Clark hanggang Balintawak at EDSA, mula Balintawak hanggang Magallanes sa Makati City ay ‘off limits’ muna para sa mga truck at closed vans. Magtatagal ito hanggang Nov.15

Base pa rin sa abiso ng MMDA may truck ban din sa mula  Diokno Entertainment City hanggang Buendia;   Roxas Boulevard, mula Buendia hanggang P. Burgos; Ayala EDSA hanggang Makati Avenue; Makati Avenue, mula Ayala hanggang Pasay Road;  Pasay Road hanggang Amorsolo, Makati; Lawton, mula 5th Avenue hanggang South Luzon Expressway (SLEX) at  Mckinley, mula EDSA hanggang 5th Avenue.

Inabisuhan na rin ang mga maapektuhan ng truck ban na humanap na lang ng mga alternatibong ruta para sa kanilang pagbiyahe. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?