30

May 24, 2020 @ 8:33
By

MMDA maglalagay ng bike lane sa EDSA

Dahil sa mahirap na public transportation, maglalagay ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng bike lane sa EDSA para sa mga pupunta sa kanilang trabaho, ayon kay MMDA traffic chief Bong Nebrija.

Maaari rin umano maglagay ng mga bike lane ang iba’t ibang local government unit (LGU) para mabigyan ng proteksiyon ang mga nagbibisekleta.

Sa ilalim ng ipatutupad na new normal, hindi na magiging katulad ng dati ang EDSA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?