39

Nov 30, 2017 @ 19:21
By

MMDA magdadagdag ng enforcers ngayong Kapaskuhan

Ngayong nagsimula na ang holiday season, inaasahan ng Metropolitan Manila Development Authority na mas makakaubos pa ng pasensiya ang traffic sa Metro Manila.

Bunga nito, humihirit ang MMDA ng karagdagang pondo para makakuha ng mga karagdagang traffic enforcers.

Sinabi ni Assistant General Manager Jojo Garcia kulang na sila sa mga enforcers dahil sa napakarami ng programa na ipinatutupad para mapagaan ang daloy ng trapiko.

Aniya, sa katatapos na budget deliberation, 1,000 traffic enforcers ang kanilang inihirit.

Marami na ring mga motorista ang umaangal dahil maging sa kalaliman ng gabi ay matindi pa rin ang traffic sa ibang lugar. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?