114

Dec 27, 2017 @ 16:17
By

MMDA kinapos sa tow trucks

Sa dami ng mga sasakyan na ilegal ang pagkakaparada, kinulang ang tow trucks na ginamit sa pagsasagawa ng clearing operations sa Baclaran, Paranaque.

Ayon kay Bong Nebrija, operations supervisor ng MMDA, ala-5:30 ng umaga nang ginalugad nila ang paligid ng Baclaran Church mula sa Airport Road.

Aniya, 10 tow trucks lang ang nakasunod sa kanilang Task Force Special Operations at makalipas lang ang ilang minuto, 11 sasakyan na ang kanilang nabatak at may walo pa ang binigyan na lang ng violation ticket.

Wala ng nagawa ang mga driver ng mga sasakyan sa kabila nang pagputol sa kanilang pagsisimba at pag-apila sa MMDA enforcers ay hindi na nila nabawi pa ang kanilang sasakyan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?