By

MMDA, kamot-ulo na sa trapik

Sharing is caring!

Kamot-ulo ang Metro Manila Development Authority (MMDA) nang magmukhang napakalaking parking lot ang EDSA nang buksan na ang ASEAN Lane kahapon.

Kalbaryo ang dinanas ng mga motorista at may mga napilitan na maglakad na lang dahil hindi na umuusad ang mga sasakyan.

Umapela na si Bong Nebrija, operations supervisor ng MMDA, sa media na tulungan sila na maiparating sa mga motorista na humanap ng mga alternatibong ruta.

Dakong tanghali nagkagulo na rin ang Scout Area na isa sa mga inalok na alternatibong ruta ng MMDA sa West Corridor dahil sa pagdaan na rin doon ng mga pampasaherong bus.

Ang ASEAN Lanes ay itinalaga para sa mga ASEAN delegates sa kanilang pagbiyahe mula Clark, Pampanga patungo sa PICC sa Pasay City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?