100

MMDA kakasuhan na si Maria Isabel Lopez

Sharing is caring!

Inihahanda na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kaso laban sa aktres na si Maria Isabel Lopez dahil sa paglabag sa trapiko matapos nitong gamitin ang ASEAN lane noong Sabado.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni MMDA General Manager Tim Orbos, na maghahain sila kasong “breach of security” laban sa aktress.

“The MMDA is also preparing the filing of other charges against Ms. Lopez considering the breach of security during such a national event and the threat to the safety of others because of her misdeed,” sabi ni Orbos.

Nauna ito, pinatatawag na ng Land Transportation Office si Lopez para imbestigahan dahil sa ginagawang paglabag sa batas trapiko
Sabi ng LTO, si Lopez ay maaring makasuhan ng diregarding traffic signs, violation of the Anti-Distracted Driving Act at reckless driving.

Sa kanyang Facebook at Instagram noong Sabado, ipinost ni Lopez ang videos nang pagtanggal nito ng divider cones at pinadaan ang kanyang sasakyan na dapat ay nakalaan sa delegado ng ASEAN Summit.

Ipinakita din nito sa video ang kanyang kasiyahan habang nagda-drive sa lane, habang ang ibang motorista ay binubuno ang trapik sa EDSA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?