4

MMDA, humirit ng extension sa kasalukuyang mall hours

Sharing is caring!

Hiniling ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga may-ari ng mall na palawigin pa ang operating hours nila bilang tulong na rin sa malalang trapiko sa bansa.

Nagsimulang mag-adjust ng kanilang operating hours ang mga mall noong Oktubre ng nakaraang taon dahil sa inaasahang mas dobleng trapik sa papalapit na holiday kung saan nagbubukas sila ng alas-11:00 ng umaga at nagsasara ng alas-10:00 ng gabi.

Ang implementasyon na ito ay nakatakdang matapos sa Enero 15.

Ayon kay MMDA Assistant General Manager for Operations Jojo Garcia sa UNTV, isa ito sa nakikita nilang solusyon sa mas lalalang trapik sa Metro Manila sa pag-uumpisa ng mga konstruksiyon ng mga imprastraktura sa ilalim ng “Build, Build, Build” program ng pamahalaan.

Dagdag pa ni Garcia, nakausap na nila ang mga mall owners at inaasahan nila ang tugon nito nitong Biyernes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?