109

Dec 11, 2017 @ 19:05
By

MMDA hirap sa mga tinted vehicles sa HOV lane sa EDSA

Malaking hamon sa Metropolitan Manila Development Authority ang mga heavily tinted vehicles na bumabagtas sa high occupancy vehicles (HOV) lane sa EDSA.

Base sa monitoring sa unang araw ng dry run sa HOV lane, mula ala-6:00 ng umaga hanggang alas 12 ng tanghali, 285 sasakyan ang nahuling hindi sumunod sa paggamit ng HOV lane.

Gamit din ang high definition security cameras at monitoring sa MMDA Metro Base Command Center, 262 naman ang sumunod.

Samantalang sa pamamagitan ng handy camera, 12 ang sumunod din sa bagong traffic reduction scheme.

Ngunit base din sa inilabas na datos, 906 sasakyan ang hindi nabatid kung sumunod o hindi dahil mga heavily tinted ang mga ito.

Una na rin sinabi ni Asst. Gen. Manager for Planning Jojo Garcia na mahihirapan silang matukoy kung sumusunod ang mga heavily tinted vehicles kahit high definition cameras ang kanilang gamit.

Sa HOV lane policy, ang mga sasakyan na may sakay na higit sa isa kasama na ang driver ay maaring gamitin ang dagdag na special lane. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?