12

Feb 23, 2021 @ 20:28
By

MMDA bubuksan zipper lane sa QC kasabay ng EDSA People Power Anniversary

Nakatakdang buksan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang zipper lane sa White Plains Avenue, Quezon City sa Huwebes kasabay ng ika-35 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

“A simple and short program will be held at the People Power Monument at 8 a.m. (on Thursday) but there will be no road closure,” anang MMDA sa isang pahayag.

Ayon sa ulat ng Philippine Canadian Inquirer, lalagyan ng MMDA ang naturang lane sa White Plains at EDSA ng mga plastic barrier at traffic cone.

Kaugnay ng pagbubukas, magpapakalat naman ng mga awtoridad mula Philippine National Police at lokal na pamahalaan ng QC upang maiwasan ang mabigat na daloy ng trapiko sa mga apektadong lugar.

“Road clearing operations will also be conducted to remove illegally-parked vehicles at the areas of concern, including Temple Drive and EDSA Shrine,” wika ng MMDA.

Tiniyak naman ng naturang ahensya na masusunod ang mga ipinatutupad na mga health protocol ng awtoridad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?