50

By

MMDA binigyan ng 10-araw para idepensa ang provincial bus ban

Pinag-utos ng Korte Suprema sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na sagutin ang mga petisyon na kumukuwestiyon sa legalidad ng pagbabawal sa mga provincial bus sa EDSA.

Tinaningan ng sampung araw ng SC ang MMDA at Metro Manila Council para magsumite ng komento.

Giniit ng mga petitioner na sina AKO Bicol Reps. Ronald Ang, Alfredo Garbin Jr., Albay Rep. Joey Sarte Salceda at ng Bayan Muna ang kawalan ng public consultations tungkol sa isyu at dapat din umanong marinig ang side ng mga may-ari at bus operator lalo na ang mga pasahero na lubhang maaapektuhan ng nasabing ban.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?