32

Dec 22, 2017 @ 14:10

MMDA bidder na-disqualify dahil sa 3 sentimong kulang sa surety bond

Dahil lamang sa kapos ng tatlong sentimo ang kanyang surety bond, dinisqualify ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Bids and Awards Committee (BAC) ang isang bidder para sa P4.9 million-peso drainage improvement project sa Quezon City.

Inihayag ni MMDA Vice Chairman Victor Pablo Trinidad ang disqualification ng Armal Construction Supply & Services, Inc. matapos madiskubreng kulang ng tatlong sentimo ang kanyang surety bond.

Ang surety bond ang isa sa mga requirement ng mga bidder para sa bidding process at itinakda ang limang porsiyento ng approved budget para sa proyekto.

Ang budget na inilaan ng MMDA sa proyekto ay P4.989,079.60, kung saan ang limang porsiyentoi nito ay equivalent sa P249,453.98.

Subalit nang magpasa ng sure bond ang Amal, lumabas na P249,453.95 ang ibinigay nito, kapos ng tatlong sentimo na nagresulta sa diskuwalipikasyon nito.

Ayon kay Trinidad, ang disqualification sa Amal ay nangangahulugan lamang na transparent at mahigpit na sumusunod ang ahenisya sa kanilang kriterya na ipinatutupad sa ilallim procurement law

“The MMDA is guided by the basic principles of government procurement: transparency, competitiveness, good governance and accountability. As they say, the law may be harsh but it is the law,” sabi ni Trindad.

Ang dalawang iba pang bidder ay ang PJ Construction & Supply at Tuchar Construction, Inc. Ang winning bidder ay PJ Construction na may bid price na P4,746,941.27 laban sa Tuchar na may P4,804,072.44.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?