157

Dec 12, 2017 @ 12:44

MMDA: 285 motorista huli sa HOV lane dry run sa EDSA

Umabot sa 285 motorista ang hinuli ng Metropolitan Manila Development Authority dahil sa paglabag sa dry run ng high occupancy vehicle (HOV) lane traffic scheme sa EDSA nitong Lunes.

Sa ilalim ng nasabing scheme, ang mga sasakayan na may dalawang pasahero o higit pa ang papayagang makadaan sa car pool lane o HOV lane sa leftmost lane ng EDSA na katabi lang ng riles ng MRT.

Ang HOV dry run ay isasagawa sa loob ng isang linggo, ayon sa MMDA.

Layunin ng traffic scheme na ito na paluwagin ang EDSA dahil sa pag-aaral na 70 porsiyento ng 365,000 private vehicles ay isa lang ang nakasakay.

Karamihan sa mga nahuli ay sinabing hindi nila alam ang dry run.

Hirap naman ang mga MMDA enforcers na inspeksyunin ang mga sasakyan na may tinted glass.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?