80

Dec 16, 2017 @ 11:33
By

MMA Rosauro eskapo kay Aballe

Nakapagtakbo si Roel ‘Akiyama’ Rosauro ng Yaw-Yan Ardigma ng desisyong split kontra Alexander Aballe ng Yawchedelic Mixed Martial Arts sa Universal Reality Combat Championship Fight Night: BETS fight card sa Waterfront Airport Hotel and Casino Mactan sa Cebu Miyerkoles ng gabi.

Iniiwas ni Rosauro, 29, na mabokya sa apat na laban ang mga kapwa Cebuano sa three-round split victory sa pagiging maagang pagkaagresibo sa banatan.

Naisalya siya sa sahig ni Aballe sa unang round at sa pangalawang yugto, pero matibay na nakakadepensa si Rosauro para denayin ang karibal na makopo agad ang panalo sa ground.

Tinuloy ni Rosauro ang taktika kaya sa third nasipa niya ang kalaban na nagbago ng istilo na naging boksingero mula sa pagkamambubuno.

Dinaig ni Arvin ‘Asintado’ Chan ng Ronin BJJ via arm-lock submission sa first si Joel ‘Watcher’ Jabonero ng Calma-MMA Talisay; ginamit ni Ariel Lampacan ng Benguet ang lakas at bilis para idemolis niya ang kakuwadra ni Jabonero na si Giovanni Macasling sa huling 40 segundo ng umbagan.

Humulma naman si Adonis Sevilleno ng Yawsa MMA ng unanimous decision win kay wrestler Arnel Ylanan ng Delfac Vagabond Cebu; nagmolde si former champion Mark Striegl ng unanimous decision victory kay South Korean Kim Ki-Sung.

Wagi si Dave Banguingui ng Fight Corps kay Ariel Olieros ng Ronin BJJ; alpas si Roque Mana-ay ng Catalan Fighting System kay Yong Bin Kwon; at ni-knockout ni Lucky Mateo ng Fight Corps si Charles Sayson.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?