62

Dec 13, 2017 @ 15:43
By

MMA Osenio, babangon sa pagkakalugmok

Sobrang saklap ang naging pagkatalo ni April Osenio kay Xiong Jing Nan ng China sa kanilang undercard ONE Championship “Warriors of the World” sa Bangkok, Thailand sa nagdaang Sabado.

“Hindi ko talaga gabi ‘yun,” pag-amin kamakalawa ng 23-anyos na Pinay mixed martial artist, kasapi ng Team Lakay na nakabase sa Baguio City.

Hindi siya umubra sa laban sa mas maliksi’t malaking Chinese striker.

“Tanggap ko na iyon. Pero bata pa naman tayo. Kailangan kong iangat pa ang game ko at mag-training sa gym para makabalik,” hirit niya.

Pero maski lubhang dehado’t galing pa sa matagal na pahinga kumpara sa mas may experience na karibal, nagpakita pa rin ng tapang at determinasyon ang Pinay sa pamatay niyang atakeng boksing.

Pinagpatuloy niyang makakasa sa diskarteng iyon hanggang sa tamaan siya bago matapos ang pambungad na round.

Sinikap niyang makatayo at tagumpay naman pero nakatanggap ng walang puknat na mga sapak kabilang ang nagpahalik sa kanya sa lona sa nalalabing mahigit tatlong minuto pa.

Lagpak ang rekord ni Osenio sa 2-3 samantalang umasenso si Jing Nan sa 13-1.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?