38

Jan 18, 2021 @ 15:14
By

MMA fighter timbog sa buybust operation

Sa kulungan ang bagsak ng isang MMA fighter matapos masabat sa kanya ang 1.8 kilogram marijuana sa isinagawang buybust operation sa Quezon City.

Kinilala ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Debold Sinas ang naaresto bilang si Gary Espinar.

Nadakip ng mga tauhan ng Northern Police District- Drug Enforcement Unit ang nasabing MMA fighter.

Ani Sinas, follow-up lamang ang ikinasang operation kay Espinar dahil may nagturo sa kanya bilang source ng droga.

Una nang nagsagawa ng buybust operation ang PNP at nahuli ang mga suspek na gumagamit din ng kush at nilaglag ang MMA fighter bilang kanilang source.

Kasalukuyang nahaharap sa kasong paggamit ng ilegal na droga si Espinar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?