5

MM red alert na, Pagasa nagbabala sa matinding pagbaha

Sharing is caring!

Itinaaas na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) sa red warning level ang Metro Manila at Rizal kasunod nang matinding pag-uulan at banta ng pagbaha.

Sa kanilang bulletin, sinabi ng Pagasa na ang southwest monsoon o habagat na pinalakas ng tropical storm “Karding” ay maaring magdulot ng matinding pag-ulan sa buong Metro Manila at Rizal.

Itinaas naman sa yellow warning level ang lalawigan ng Bataan, Pampanga, Bulacan at Northern Quezon na posibleng makaranas na pagbaha sa mga mababang lugar.

Magkaroon ng manaka-nakang pag-ulan sa Zambales, Tarlac, Nueva Ecija, Laguna, Cavite, Batangas at iba pang bahagi ng Quezon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?