45

Dec 31, 2017 @ 9:52
By

ML extension mataas ng 876.67% sa orihinal na 60 araw – Lagman

Mataas ng 876.67% ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman sa orihinal na 60-araw ang dalawang beses na hirit na palawigin ang implementasyon ng batas militar sa buong Mindanao.

Ayon kay Lagman, ang dalawang ekstensyon ng Martial Law at suspensiyon ng writ of habeas corpus sa Mindanao hanggang sa Disyembre 31, 2018 ay may kabuuang araw na 526 days o 876.67% na mas mataas mula sa inisyal na period na 60-araw salig sa Proclamation No. 216 na nagpasailalim sa Marawi City at sa buong Mindanao sa Martial Law.

“This is inordinately long. It is a deplorable defiance of the constitutional limitation of the duration of martial law and its extension,” ayon kay Lagman.

“A full year re-extension, aside from being factually unwarranted, is oppressively long and patently unconstitutional,” dagdag nito. (Aries Cano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?