80

Nov 29, 2017 @ 8:51
By

Miyembro ng Sputnik Gang, arestado sa sumpak

Dinampot ng mga pulis ang isang 37-anyos na tricycle driver matapos mahulihan ng sumpak sa Esteto Cegado St., Sta. Cruz, Maynila.

Nakilala ang suspek na si Rommel Gatmaitan, miyembro ng Sputnik Gang, at nakatira sa Lualhati St., Tondo ng nabanggit na lungsod.

Ayon kay Police Supt. Arnold Thomas Ibay, hepe ng Sta. Cruz Police Station, nakatanggap ng sumbong ang Plaza Miranda PCP mula sa isang concerned citizen hinggil sa lalaking may dalang baril sa lugar.

Nang puntahan ito, doon na naabutan si Gatmaitan at nang kapkapan ay nakuha mula rito ang isang improvised firearm o sumpak na may kargang bala ng shotgun.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunitions Regulation Act. (Ricklove Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?