577

Miyembro ng sindikato nakapasok sa Wowowin studio, kasabwat na contestant dinisqualify ni Willie

Agad na napuna ni Willie Revillame ang isang lalaking kasama sa grupo ng isang female contestant na umano’y hindi naman kakilala ng grupo.

Napatunayan nga ni Willie na sumabit lang sa grupo ang naturang lalaki upang makapasok sa studio at makalikom ng pamasahe.

Dahil dito, dinisqualify ni Willie ang female contestant dahil sa paglabag umano ng grupo nito sa regulasyon ng programa.

“Hindi niyo ako puwedeng lokohin kasi nakikita ko ang lahat ng nangyayari dito. Ano gagawin natin sa kanila, disqualified sila. Bawal ‘yan, may nakapaskel sa labas,” pahayag ni Willie.

“Ipinagbabawal po namin ‘yan kasi niloloko nila ang Wowowin. Kawawa naman kayo, namamasahe lang kayo, tatalunin lang kayo ng mga tao na nakatambay sa labas. Bumiyahe kayo, nagrenta ng sasakyan, nangutang kayo, ‘tapos ang mananalo, e, yung sumabit lang. I don’t think that’s fair. Bibigyan ko kayo ng pamasahe kapag legal na legal kayo.Sorry ha, you have to understand. Ganoon talaga,” dagdag pa ni Willie.

Una umanong natuklasan ni Willie noon pang September 2018 ang ginagawa ng mga sindikato na nakatambay sa labas ng studio kung saan ay tinitipon ng mga ito ang mga taong hindi magkakakilala at nagpapanggap na mga residente sa isang lugar.

Ginagawa ito ng mga sindikato upang makapasok sa studio ng Wowowin at makasali sa mga palaro ni Willie at kumita ng pera.

Kumikita umano ang lider ng sindikato sa pagbibigay rito ng komisyon ng mga taong naipapasok nito sa game show.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?