46

Sep 15, 2020 @ 0:32
By

Miyembro ng media sa Sorsogon tinumba

Patay ang isang miyembro ng media matapos itong pagbabarilin ng hindi pa kilalang riding in tandem ngayong gabi sa Sorsogon City.

Dead on the spot dahil sa tinamong mga tama ng bala sa ulo at katawan ang biktimang nakilalang si Jobert “Polpog” Bercasio, media mula sa Balangibong TV.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap ang pamamaril dakong alas 8:00 ng gabi sa Seabreeze Homes, Barangay Cabid-an ng nasabing lungsod.

Nabatid na pasakay na umano ng kanyang motorsiklo ang biktima ng bigla na lang sumulpot ang isang motorsiklo lulan ang mga armadong suspek at ilang ulit na pinagbabaril si Bercasio.

Matapos na masigurong wala ng buhay ang target ay mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng janilang motorsiklo.

Base naman sa ilang saksi, limang putok ng baril ang kanilang narinig bago humarurot ang isang motorsiklo at iwan ang biktima na naliligo sa sariling dugo.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung may kinalaman sa kanyang trabaho bilang mediaman o personal na alitan ang motibo ng mga suspek sa pagpatay sa biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?