325

Jul 28, 2018 @ 11:25
By

Miyembro ng Marines, inaresto sa Cavite

Hindi akalain ng isang miyembro ng Philippine Marines na ang pagkuha nito ng NBI clearance ang magpapahamak sa kanya makaraang arestuhin dahil sa nakabinbin nitong kaso sa Tagaytay City, Cavite.

Nasa kustodiya ngayon ng Tagaytay City Police si Pfc Jessie Dayag, 30, nakatalaga sa Marine Base Ternate Cavite at residente ng Brgy. Malinawa, Tabuk, Kalinga.

Si Dayag ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Acting Presiding Judge Hon. Jaime Santiago ng RTC Branch 18 dahil sa kasong qualified theft noon pang Marso 2016.

Sa report ni PO2 Paul Vincent Mendoza, ng Tagaytay City Police Station, dakong alas-4:30 ng hapon nang arestuhin si Dayag sa bisa ng warrant of arrest sa loob ng Hall of Justice sa Brgy. Kaybagal South, Tagaytay City.

Nauna rito, kumukuha umano ng NBI clearance si Dayag nang lumabas sa kanilang Unified Clearance System na may nakabinbin itong kaso dahilan upang ipaalam sa pulisya na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto.

May inirekomendang halagang P24,000 piyansa para sa pansamantalang paglaya ni Dayag.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?