89
jv-drilon

Miyembro ng Kadamay, dapat kasuhan – Drilon, Ejercito

Sharing is caring!

Inirekomenda ng ilang senador na sampahan ng kasong kriminal ang mga kasapi ng grupong Kadamay na nagtangkang okupahan at angkinin ang mga bakanteng bahay sa isang government housing project sa Rodriguez, Rizal kahapon.

Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, dating kalihim ng Department of Justice (DOJ), kailangang sampahan ng kaso sinumang lumabag sa batas mahirap man o mayaman.

Mawiwili din umano ang Kadamay sa ilegal na pag-okupa ng mga housing project ng gobyerno kapag nakalusot sa kaso gaya nung okupahan nila ang pabahay sa Pandi, Bulacan na para sa mga pulis at sundalo.

“Nasasanay kapag hindi ipinatupad ang ating batas. Kaya when we failed to act firmly on the first Kadamay invasion, we go on a second one. We must enforce the rule of law. Mayaman o mahirap, pantay – pantay tayo sa ilalim ng batas,” diin ni Drilon.

Sinabi rin ni Senador JV Ejercito, chairman ng Senate committee on housing, na kailangan nang matigil ang gawain ng Kadamay.

Idiniin na hindi kawtiran ang pagiging mahirap para sila manggulo sa housing projects ng gobyerno.

“Sobra na ito. Anarchy na. Hindi na dapat palampasin. Hindi na pwedeng rason na sila ay mahirap at napapabayaan. Mahihirap din ang kanilang piniperwisyo,” pahayag ni Ejercito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?