74
arrested
Mar 17, 2019 @ 12:57
By

Miyembro ng ‘Commando’ gang kalaboso sa pagbebenta ng droga

Arestado ang isang miyembro ng gang sa ikinasang buy-bust operation sa Binondo, Manila ngayong Linggo, Marso 17 dakong 5:25 ng umaga.

Ayon sa Manila Police District, isa sa kanilang mga agent mula sa Binondo Police Station ang bumili ng ilegal na drogang nagkakahalaga ng P500 kay Luis Chito Dudomo, 36-anyos, miyembro ng Commando Gang at nakatira sa Sta. Cruz Manila.

Matapos ang transakyon ay nagbigay ng signal ang poseur-buyer sa kaniyang team at inaresto si Dudomo, na kilala rin sa alyas na ‘Bombo’.

Nasamsam ng mga awtoridad ang 20 piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, P500 marked money, isang blue pouch at blue Honda Alpha motorcycle na may plate number na WF 7326.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?