67

By

Miyembro ng Bahala Na Gang, timbog sa bisikleta

Nadakip ng mga elemento ng Malate Police Station ang isang miyembro ng Bahala Na Gang sa Barangay 704 sa Malate, Maynila dahil sa kasong pagnanakaw.

Kinilala ang suspek na si Joel Noynoy, alyas Joko, 20-anyos, residente ng San Andres, Malate, Manila, na inaresto noong Lunes ng alas-singko ng hapon.

Sa sumbong ng biktima na si Rafael Guan, 24, waiter, puwersahang inagaw sa kanya ng suspek ang kanyang mountain bike.

Matapos ang insidente ay agad na nagsumbong ang biktima sa pulisya na kaagad namang naglunsad ng follow-up operation kaya nahuli si Guan.

Narekober dito ang ninakaw na Voyager mountain bike na nagkakahalaga ng P7,000.

Kasong theft ang kinakaharap ngayon ng suspek na nakapiit na sa Station 9 ng Manila Police District. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?