77
ABANTE-TNT-arestado
Aug 14, 2018 @ 14:26
By

Miyembro ng Akyat-bahay gang, huli sa San Juan

Nalambat ng mga nagpapatrulyang pulis ang isang tumatakas na sanang miyembro ng Akyat-bahay gang matapos manloob sa bahay ng isang negosyante at mabuking ang ginagawang pagnanakaw, kamakalawa ng umaga sa San Juan City.

Batay sa report na isinumite ni San Juan Police chief, SSupt. Dindo Reyes kay Eastern Police District (EPD) Director SSupt. Bernabe Balba, nakilala ang suspek na si Stephen Stoc y Didal, 27-anyos at residente ng Calderon St., Barangay Little Baguio, San Juan City .

Nagsasagawa ng roving sina PO2 Luigi Rey Tejada at PO1 Albert Oamil ng PCP nang makita ang suspek na papalabas ng bahay ng biktimang negosyante na si Charles Joseph Gil, 47-anyos ng 183 Pilar St., Barangay Addition Hills, at marinig ang humihingi ng tulong na sigaw ng biktima bandang alas 7:00 kamakalawa ng umaga.

Ayon sa report, umakyat ang suspek sa gate at dumaan sa bintana na kung saan ay unang nakita ang cellphone ng biktima.

Nagising umano ang biktima para mag-ayos ng almusal nang makita ang suspek kaya agad na itong nagsisigaw ng tulong hanggang makalabas ang suspek na aktong agad nahuli ng nag-iikot na pulis.

Nakuha mula sa suspek ang cellphone at isang 9.5 inches long knife.

Nabatid na kasama ang suspek sa serye ng nakawan na nagaganap sa nasabing barangay at sa jeepney robberies na nambibiktima ng mga pasahero.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa San Juan Police detention cell habang hinihintay ang pagsasampa ng kasong robbery at illegal possession of deadly weapon. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?