73

Oct 25, 2017 @ 15:05

Miyembro ng Aegis Juris tatayong witness sa Atio case

Isinailalim na sa Witness Protection Program (WPP) ang isa sa mga respondent sa kaso ni Horacio “Atio” Castillo III na biktima ng hazing ng sinalihang fraternity na Aegis Juris.

Ayon kay Department of Justice (DOJ) Secretary Vitaliano Aguirre II, ito ay si Mark Ventura na umaming kasama sa initiation rites na nangyari ng madaling araw ng September 17, 2017 sa loob ng Aegis Juris fraternity library sa Sampaloc, Maynila.

Sinabi ni Aguirre na Martes ng hapon nang magtungo sa DOJ si Ventura kasama ang kanyang abugado at ina na si Merlene Ventura.

“Mark Ventura, accompanied by his mother, Merlene Ventura and his counsel, Atty. Ferdie Benitez, went to my office to personally signify his intention to be accepted to the Witness Protection Program (WPP),” saad ni Aguirre.

Aniya, may inihanda nang salaysay si Ventura na naglalahad ng kanyang nalalaman magmula nang si Atio ay marecruit bilang neophyte ng Aegis Juris hanggang sa siya ay sumailalim sa initiation rites noong September 17.

” Mr. Ventura narrated to us what he knew about what happened to Horatio “Atio” Castillo III from the time of his admission as a neophyte of the Aegis Juris Fraternity until his initiation rites on the early morning of September 17, 2017.

“[He] gave us the names of the persons who were present during the initiation rites of Mr. Atio Castillo III. After hearing the narration of Mr. Ventura, I immediately decided to place him under provisional acceptance into the WPP,” dagdag ni Aguirre.

Tinukoy pa ng kalihim na base sa paglalahad ni Ventura, ala-una ng madaling araw nagsimula ang initiation rites at ito ay tumagal ng mahigit tatlong oras..

“Unang physical punishment or initiation ay inumpisahan sa pagsuntok sa braso… Meron silang term na hanggang hindi pumuputok sa kanyang braso ay tuluy-tuloy lang sila ng pagsuntok.

“‘Nung pagang-paga na…ginamitan nila ng spatula na pangluto, para ma-calm ang muscle niya,” pagpapatuloy ni Aguirre.

Pagkatapos ng spatula, saka na umano sinimulan ang pagpalo kay Atio ng paddle, pero bumagsak siya sa pang-apat na tama ng paddle.

“Third paddle against Atio, tinanong pa siya kung kaya pa niya, sumagot pa siya na kaya pa, fourth paddle di na niya kaya he collapsed already. Unintelligible ang response niya, ‘pag tinatanong umuungol na lang siya. ‘Nung nagkakamalay na, pinaddle ng panglima, nag-collapse tapos naging panicky na members of frat,” paglalahad ni Aguirre batay sa kanyang pakikipag-usap kay Ventura. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?