By

Miyembro ng Abu Sayyaf, sumuko sa Sulu

Sharing is caring!

Sumuko sa militar ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Bacaan Tongkil, Sulu kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang sumukong bandido na si Hussin Aranain, alyas Friend, na tauhan ni ASG sub leader Asbi Misuari, alyas Imbo na una nang sumuko sa militar.

Ayon kay AFP Joint Task Force (JTF) Sulu Commander Brigadier General Cirilito Sobejana, alas-nuwebe ng gabi kamakalawa nang kusang- loob na sumuko sa JTF Sulu at Philippine Coast Guard ang bandido.

Isinuko rin ng bandido ang kanyang M16 A1 rifle, magazines at ammunition.

Ayon kay Sobejana, nagdesisyong sumuko ang rebelde sa pagnanais na magkaroon ng normal na buhay kasama ang kanyang pamilya. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?