25

Jul 8, 2020 @ 15:32
By

Mitra sasalang sa ‘Usapang Sports’

TATALAKAYIN sa TOPS ‘Usapang Sports’ ang isyu sa pagbabalik ensayo na itinakda ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa professional sports na nasa pangangasiwa ng Games and Amusement Board.

Magbibigay si GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra ng mga plano sa ahensiya sa gitna ng pandemya sa ikalawang paglarga ng ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) via Zoom ng ‘Sports on Air’ ngayong Huwebes, Hulyo 9, ganap na alas-10 ng umaga.

Bukod dito, magbibigay din ng mga bagong kaganapan sa larangan ng football sa bansa sa pamamagitan ni Youth Football League president Mike Atayde.

Ihahayag n dating Palawan Congressman at Governor ang mga progreso ng kanilang pagsumite sa tinatawag na “new normal ” protocols sa mga pag-eensayo ng mga atleta sa PBA at PFL.

Matutunghayan ang live streaming sa Sports On Air sa facebook at Youtube sa lingguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission at PAGCOR at binubuo ng pinakamalalaking tabloid organization sa bansa na People’s Tonight, Balita, Abante, Remate, Police Files Tonite, Bulgar, Hataw, Pilipino Mirror, Pilipino Star Ngayon, PM, Saksi at Sportsmanila.net.

Inaanyayahan ni TOPS president Ed Andaya ang lahat ng miyembro ng makiisa sa programa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?