57

Apr 14, 2021 @ 23:46
By

Mitra pinaimbestigahan ang Lapu-Lapu, Siquijor

Masusing pinaiimbestigahan ni Games and Amusements Board (GAB) chairman Abraham Kahlil Mitra ang laban ng Arq Builders Lapu-Lapu Heroes at Siquijor Mystics sa 1st Pilipinas VisMin Cup 2021 elims Miyerkoles sa Alcantara Civic Center bubble sa Cebu dahil sa kakaibang kilos ng mga player.

Nagtakda ang opisyal at kanyang staff na mga saksi sa first game ng meeting ngayong Huwebes para sa simula ng probe sa pinahinto rin nilang laro dahil sa kaduda-dudang mga sablay sa free throw at open layups sa labanan.

May pinagsama lang na 4-for-29 FTs shooting ang dalawang tea, ang ilang player ginawa pang katatawanan ang mga attempt para magmintis na kinayamot ng ilang saksing GAB officials.

Pinalitaw na lang ng liga na ang pagkawala ng kuryente sa nasabing bayan ang dahilan sa pagkatigil ng game kung saan lamang ang Lapu-Lapu 27-13. Pero GAB ang nagpahinto dahil sa milagrong nagaganap sa aro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?