donovan
By

Mitchell kahilera ni Iverson

Sharing is caring!

Sobrang angas ni Utah super rookie Donovan Mitchell, siya ang pinakamalaking tinik sa Houston Rockets sa kanilang Western Conference semifinals duel.

Kinapos lang si Mitchell, hindi nagawang itawid ang Jazz na pina-exit ng Rockets sa limang laro huli 112-102 Martes ng gabi.

Sa third quarter ng Game 5, umiskor si Mitchell ng 22 at lumamang ng tatlo ang Utah papasok ng fourth. Pero nilabas siya may 7 minutes pa nang abutin ng left leg injury at tumapos ng 24.

Sina Stephen Curry at James Harden lang ang tanging dalawang players na may 22 points sa isang quarter sa playoffs nitong nakalipas na limang taon.
Ikinukumpara na si Mitchell kay Hall of Famer Allen Iverson. Hindi sila nagkakalayo sa produksiyon.

Sa kani-kanilang unang postseason appearance, nag-average si Mitchell ng 23.3 points per game, may 22.9 si AI.

Field goal average: Mitchell 21.6, Iverson 21.5. Assists per game: Mitchell 3.5, Iverson 3.9. At sa field goal percentage: Mitchell 41.2, Iverson 41.1.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?