11

Sep 4, 2020 @ 15:07
By

Mitchell biniyayaan ng P7.8B,5 taon kontrata

Maganda pa ring hinarap ng Utah Jazz ang senaryo kahit luhaang hindi umabot ng 74th National Basketball Association (NBA) 2019-20 second round playoffs.

Pinatunayan ng team na may ibubuga kahit sino ang katapat, nasingitan lang sa Game 7 ng Denver Nuggets.

Lumitaw ang talento ni Donovan Mitchell sa NBA Bubble sa Walt Disney World Resort sa Orlando, Florida.

Kaya naman gagantimpalaan ang 23-year-old, 6-foot- 1 shooting guard ng Jazz ng five-year, P7.8B ($160M) maxium contract extension pagsapit ng free agency sa Oktubre.

Mapapaso na sa buwang iyon ang nilagdaang tatlong taong kasunduan ni Mitchell at Utah noong 2017.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?